Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 84

84
Salmo 84
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas.
1 Panginoon ng mga Hukbo,
kay ganda ng inyong Templo!
2Gustong-gusto kong pumunta roon!
Nananabik akong pumasok
sa inyong Templo, Panginoon.
Ang buong katauhan koʼy aawit
nang may kagalakan sa inyo,
O Diyos na buháy.
3 Panginoon ng mga Hukbo,
aking Hari at Diyos,
kahit ang mga ibon ay may pugad
malapit sa altar kung saan nila inilalagay
ang kanilang mga inakay.
4Mapalad ang mga taong nakatira
sa inyong Templo;
lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo.
5Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan
mula sa inyo
at nananabik na makapunta
sa inyong Templo.
6Habang binabaybay nila
ang lambak ng Baca,#84:6 lambak ng Baca: O lambak na may maraming puno ng Balsam o lambak na may mga umiiyak.
iniisip nilang may mga bukal doon
at tila umulan dahil may tubig kahit saan.
7Lalo silang lumalakas habang lumalakad
hanggang ang bawat isa sa kanila
ay makarating
sa presensya ng Diyos doon sa Zion.#84:7 Zion: O Jerusalem.
8O Panginoon, Diyos ng mga Hukbo,
pakinggan nʼyo ang aking panalangin,
O Diyos ni Jacob,
9Pagpalain nʼyo O Diyos,
ang tagapagtanggol#84:9 tagapagtanggol: Sa literal, pananggalang. namin,
ang hari na inyong pinili.
10Ang isang araw sa inyong Templo
ay higit na mabuti
kaysa sa isang libong araw
sa ibang lugar.
Mas nanaisin ko pang mamalagi sa bahay ng aking Diyos,
kaysa manirahan sa bahay ng masasama.
11Dahil kayo Panginoong Diyos
ay tulad ng araw na nagbibigay-liwanag sa amin
at pananggalang na nag-iingat sa amin.
Pinagpapala nʼyo rin kami
at pinararangalan
Hindi nʼyo ipinagkakait
ang mabubuting bagay
sa sinumang matuwid ang pamumuhay.
12O Panginoon ng mga Hukbo,
mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo.

Kasalukuyang Napili:

Salmo 84: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in