Salmo 65
65
Salmo 65
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
1O Diyos, marapat ka naming purihin sa Zion!
Ang mga ipinangako namin sa inyo
ay aming tutuparin.
2Sa inyo lalapit ang lahat ng tao,
dahil dinidinig nʼyo ang mga panalangin.
3Napakarami ng aming kasalanan,
ngunit pinapatawad nʼyo pa rin ang mga ito.
4Pinagpala ang taong pinili nʼyo
at inanyayahang manirahan
sa inyong Templo.
Lubos kaming magagalak
sa mga kabutihang nasa inyong tahanan,
ang inyong banal na Templo.
5O Diyos na aming Tagapagligtas,
tinugon nʼyo ang aming mga dalangin
sa pamamagitan ng inyong kamangha-manghang
pagliligtas sa amin.
Kayo ang pag-asa ng tao sa lahat ng lupain
at maging ng manlalayag sa malawak na dagat.
6Itinatag nʼyo ang mga bundok
sa pamamagitan ng inyong lakas.
Tunay ngang kayoʼy makapangyarihan.
7Pinatatahimik nʼyo ang ingay ng mga alon,
ang hampas ng karagatan,
at ang pagkakagulo ng mga tao.
8Dahil sa inyong mga kahanga-hangang ginawa,
namamangha sa inyo pati ang mga nakatira
sa malayong lugar.
Mula sa silangan hanggang kanluran,
ang mga tao ay napapasigaw
sa tuwa dahil sa inyo.
9Inaalagaan nʼyo ang lupa at dinidiligan ng ulan.
Pinabubunga at pinatataba nʼyo ito.
Ang mga ilog, O Diyos, ay patuloy ninyong pinaaagos.
Binibigyan nʼyo ng ani ang mga tao.
Ganito ang itinakda ninyo.
10Pinaulanan nʼyong mabuti ang lupang binungkal
hanggang sa itoʼy lumambot at mapuno na ng tubig.
Pagkatapos ay pinagpapala nʼyo ang mga pananim.
11Pinag-aapaw nʼyo ang panahon ng anihan,
at saan ka man dumaan ay puno ng kasaganaan.
12Kahit na ang ilang ay naging pastulan
dahil sagana sa mga damo at ang mga burol
ay parang mga taong puno ng kagalakan.
13Ang mga parang ay punong-puno
ng mga kawan ng tupa at kambing
at pawang mga pananim#65:13 pananim: Sa literal, butil. ang makikita
sa kapatagan.
Ang lahat ng mga lugar na ito
ay parang mga taong umaawit
at sumisigaw sa kagalakan.
Kasalukuyang Napili:
Salmo 65: ASD
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.