Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 63

63
Salmo 63#63 Salmo 63 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David habang naroon siya sa disyerto ng Juda.
Pananabik sa Dios
1O Dios, kayo ang aking Dios.
Hinahanap-hanap ko kayo.
Nananabik ako sa inyo nang buong pusoʼt kaluluwa,
na tulad ng lupang tigang sa ulan.
2Nakita ko ang inyong kapangyarihan at kaluwalhatian sa inyong templo.
3Ang inyong pag-ibig ay mahalaga pa kaysa sa buhay,
kaya pupurihin ko kayo.
4Pasasalamatan ko kayo habang akoʼy nabubuhay.
Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo.
5Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan.
At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan#63:5 awit ng kagalakan: sa literal, sumisigaw sa kagalakan.
6Sa aking paghiga, kayo ang naaalala ko.
Sa buong magdamag kayo ang iniisip ko.
7Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit#63:7 aawit: Tingnan ang footnote sa talatang 5. ako,
habang akoʼy nasa inyong pangangalaga.#63:7 habang … pangangalaga: sa literal, sa lilim ng inyong pakpak.
8Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo ako ng inyong kanang kamay upang hindi ako mapahamak.
9Ngunit silang nagtatangka sa aking buhay ay mapupunta sa lugar ng mga patay.
10Mamamatay sila sa labanan at ang kanilang mga bangkay ay kakainin ng mga asong-gubat.#63:10 asong-gubat: sa Ingles, jackal.
11Matutuwa ang hari sa ginawa ng Dios sa kanya.
Matutuwa rin ang mga nangako sa Panginoon.
Ngunit ang lahat ng sinungaling ay patatahimikin ng Panginoon!

Kasalukuyang Napili:

Salmo 63: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya