Salmo 56
56
Salmo 56
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David tungkol pagdakip sa kanya ng mga Filisteo sa Gat. Inaawit ito sa tono ng awiting, “Ang Kalapati sa Terebinto na nasa Malayong Lugar.”
1O Diyos, maawa kayo sa akin
sapagkat sinasalakay ako ng aking mga kaaway.
Palagi nila akong pinahihirapan.
2Kinukutya nila ako at laging sinasalakay.
Sa kanilang pagmamataas,
akoʼy kanilang kinakalaban.
3Kapag akoʼy natatakot, sa inyo ako magtitiwala.
4O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako.
Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.
Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!
5Binabaluktot lagi ng aking mga kaaway
ang mga sinasabi ko.
Lagi silang nagpaplano na saktan ako.
6Nagsasama-sama sila at nagsisipagtago,
binabantayan nila ang lahat ng kilos ko
at naghihintay ng pagkakataon
upang patayin ako.
7Huwag nʼyo silang hayaang matakasan
ang parusa ng kanilang kasamaan.
Ibagsak ninyo ang mga bansa
sa inyong matinding galit, O Diyos.
8Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan
at napapansin nʼyo ang aking
mga pag-iyak.
Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?
9Kapag tumawag ako sa inyo, O Diyos,
magsisitakas ang aking mga kaaway.
Alam ko ito dahil ikaw
ay aking kakampi.
10 Panginoong Diyos, pinupuri ko kayo
dahil sa inyong mga salita at pangako.
11Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.
Ano baʼng magagawa ng isang
hamak na tao sa akin? Wala!
12Tutuparin ko, O Diyos,
ang mga pangako ko sa inyo.
Maghahandog ako ng alay
bilang pasasalamat sa inyo.
13Dahil iniligtas nʼyo ako sa kamatayan
at hindi nʼyo ako pinabayaang madapa.
Para mamuhay akong kasama kayo, O Diyos,
sa inyong liwanag na nagbibigay-buhay.
Kasalukuyang Napili:
Salmo 56: ASD
Haylayt
Ibahagi
Paghambingin
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.