Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 54

54
Salmo 54
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang maskil ni David na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas. Isinulat ito ni David pagkatapos isumbong ng mga taga-Zif kay Saul na nagtatago siya sa kanilang lugar.
1O Diyos, iligtas nʼyo ako
sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan
at patunayan nʼyong wala akong kasalanan.
2O Diyos, ang panalangin koʼy dinggin.
Pakinggan nʼyo po ang kahilingan ko.
3Sapagkat sinasalakay ako
ng mga dayuhan
upang akoʼy patayin.
Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.
4Kayo, O Diyos ang tumutulong sa akin.
Kayo, Panginoon ang aking maaasahan.
5Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaaway
ang kanilang kasamaan.
O Diyos, sa inyong pagkamatapat,
lipulin nʼyo sila.
6Kusang-loob akong maghahandog
sa inyo Panginoon.
Pupurihin ko ang pangalan nʼyo
dahil napakabuti ninyo.
7Iniligtas nʼyo ako
sa lahat ng paghihirap,
at nakita kong natalo
ang aking mga kaaway.

Kasalukuyang Napili:

Salmo 54: ASD

Haylayt

Ibahagi

Paghambingin

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in