Salmo 42
42
Unang Aklat
Salmo 42–72
Salmo 42
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang maskil ng mga anak ni Kora.
1Tulad ng usang sa tubig ng ilog
ay nasasabik,
O Diyos, ako sa inyoʼy nananabik.
2Akoʼy nauuhaw sa inyo, Diyos na buháy.
Kailan pa kaya ako makakatayo
sa presensya nʼyo?
3Araw-gabiʼy luha ko lang ang aking pagkain,
habang sinasabi sa akin
ng aking mga kaaway,
“Nasaan na ang Diyos mo?”
4Sumasama ang loob ko kapag naaalala ko
na dati ay pinangungunahan ko
ang maraming tao
na pumupunta sa bahay ng Diyos.
At kami ay nagdiriwang,
sumisigaw sa kagalakan
at nagpapasalamat sa inyo.
5Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag?
Dapat magtiwala ako sa inyo.
Pupurihin ko kayong muli,
aking Diyos at Tagapagligtas!
6-7Nanghihina ang loob ko.
Akoʼy parang tinabunan nʼyo ng malalaking alon,
na umuugong na parang tubig sa talon.
Kaya dito ko muna kayo inaalala
sa paligid ng Ilog Jordan at Hermon,
sa Bundok ng Mizar.
8Sa araw, Panginoon, ipinapakita nʼyo
ang inyong pag-ibig.
Kaya sa gabi, umaawit ako
ng aking dalangin sa inyo,
O Diyos na nagbigay ng buhay ko.
9O Diyos, na aking batong kanlungan,
akoʼy nagtatanong,
“Bakit nʼyo ako kinalimutan?
Bakit kinakailangan pang magdusa ako
sa pang-aapi ng aking mga kaaway?”
10Para bang tumatagos na
sa aking mga buto
ang pang-iinsulto ng aking mga kaaway.
Patuloy nilang sinasabi,
“Nasaan na ang Diyos mo?”
11Bakit nga ba ako nalulungkot
at nababagabag?
Dapat magtiwala ako sa inyo.
Pupurihin ko kayong muli,
aking Diyos at Tagapagligtas!
Kasalukuyang Napili:
Salmo 42: ASD
Haylayt
Ibahagi
Paghambingin
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.