Purihin ang PANGINOON, kayong mga nilalang sa kalangitan. Purihin ang PANGINOON sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan. Papurihan ang PANGINOON ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan. Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya. Ang tinig ng PANGINOONG Diyos na makapangyarihan ay dumadagundong na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan. Ang tinig ng PANGINOON ay makapangyarihan at kagalang-galang. Ang tinig ng PANGINOON ay makakabali at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay na mga puno ng sedro sa Lebanon. Niyayanig ng tinig ng PANGINOON ang mga bundok sa Lebanon at ang bundok ng Hermon, na parang mailap na baka na tumatalon-talon. Ang tinig ng PANGINOON ang nagpapakidlat. Ang tinig din ng PANGINOON ang nagpapayanig sa Disyerto ng Kades. Sa tinig ng PANGINOON, napapagalaw ang mga puno ng ensina, at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan. At ang lahat ng nasa Templo ay sumisigaw, “Ang Diyos ay makapangyarihan!” Ang PANGINOON ang may kapangyarihan sa mga baha. Maghahari siya magpakailanman. Ang PANGINOON ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.
Basahin Salmo 29
Makinig sa Salmo 29
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 29:1-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas