Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 121

121
Salmo 121#121 Salmo 121 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit habang paakyat.
Ang Panginoon ang Aking Tagapag-ingat
1Tumitingin ako sa mga bundok;
saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?
2Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
na gumawa ng langit at ng lupa.
3Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal.
Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.
4Pakinggan mo ito!
Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.
5Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo;
siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.
6Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi.#121:6 Noon, alam na ng mga sinaunang tao na nagdudulot ng kapinsalaan ang matinding sikat ng araw, at naniniwalang ang liwanag ng buwan ay may dalang sakit.
7Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;
pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.
8Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,
ngayon at magpakailanman.

Kasalukuyang Napili:

Salmo 121: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya