Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 4:14-22

Kawikaan 4:14-22 ASD

Huwag mong susundan ang daan ng mga masasamâ. Huwag mong gagayahin ang ginagawa nila. Iwasan mo ito at huwag itong dadaan. Talikuran mo ito at magpatuloy sa matuwid na daan. Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak. Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan. Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal. Ngunit ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak. Anak, pakinggan mong mabuti ang itinuturo ko sa iyo. Huwag mo itong kalilimutan kundi ingatan sa puso mo. Sapagkat magbibigay ito ng malusog na katawan at buhay sa sinumang makakasumpong nito.