Kawikaan 31:19-24
Kawikaan 31:19-24 ASD
Sa kanyang kamay ay hawak niya ang sinulid, at nakakapit sa panghabi ang kanyang mga daliri. Matulungin siya sa mahihirap at mga nangangailangan. Hindi siya nag-aalala, dumating man ang taglamig, dahil may makakapal siyang tela para sa kanyang pamilya. Siya na rin ang gumagawa ng mga kobre-kama, at ang kanyang mga damit ay gawa sa pinong lino at lanang kulay ube. Kilala ang asawa niya bilang isa sa mga tagapamahala ng bayan. Gumagawa rin siya ng damit at sinturon, at ipinagbibili sa mga mangangalakal.


