Ang pagpalo at pagsaway sa bata upang siyaʼy ituwid ay magtuturo sa kanya ng karunungan, ngunit kung siya ay pababayaan, ipapahiya niya ang kanyang ina. Kapag masama ang namumuno, nadadagdagan ang kasamaan. Ngunit sila ay mapapahamak at makikita ito ng mga matuwid. Disiplinahin mo ang iyong anak at bibigyan ka niya ng kapayapaan at kaligayahan. Kapag walang pahayag mula sa Diyos, nagkakagulo ang mga tao, subalit mapalad ang taong sumusunod sa kautusan. May mga utusang hindi mo maturuan sa pamamagitan ng salita lamang, sapagkat kahit na ikaʼy kanilang nauunawaan, hindi ka nila pakikinggan. Nakita mo ba ang taong padalos-dalos magsalita? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa sa kanila. Kung mula pagkabata ng iyong utusan ay sinusunod mo ang layaw niya, sa huli ay magiging problema mo siya. Ang taong galit ay nagsisimula ng gulo at laging nagkakasala ang mainitin ang ulo. Ang kayabangan ng tao ang magbibigay sa kanya ng kahihiyan, ngunit ang pagpapakumbaba ang magbibigay sa kanya ng karangalan. Ang taong nakikipagsabwatan sa magnanakaw ay ipinapahamak ang kanyang sarili. Kahit sumumpa siyang magsasabi ng totoo, hindi pa rin niya gagawin ito. Ang natatakot sa kanyang kapwa at nasa mapanganib na bitag, subalit ang nagtitiwala sa PANGINOON ay magiging panatag. Marami ang lumalapit sa pinuno upang silaʼy mapakinggan ngunit tanging ang PANGINOON lamang ang nagbibigay ng katarungan. Kinasusuklaman ng matutuwid ang masasamâ, at kinasusuklaman din naman ng masasama ang matutuwid.
Basahin Kawikaan 29
Makinig sa Kawikaan 29
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Kawikaan 29:15-27
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas