Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 11:24-31

Kawikaan 11:24-31 ASD

Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan. Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan. Isinusumpa ng mga tao ang nagtatago ng ani niya, ngunit ang gustong magtinda nito ay pinagpapala nila. Ang naghahanap ng kabutihan, siyaʼy mapapaburan, ngunit ang naghahanap ng kasamaan, itoʼy kanyang makakamtan. Mabibigo ang taong nagtitiwala sa kanyang kayamanan, ngunit ang taong matuwid ay lalago na parang sariwang halaman. Ang mga hangal na nagdadala ng gulo sa sariling tahanan ay walang mamanahin sa huli. Magiging alipin lang sila ng mga taong may karunungan. Ang ginagawa ng mga taong matuwid ay makakatulong sa iba upang mapabuti at mapahaba ang kanilang buhay. At madadala niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang karunungan. Kung natatanggap ng matutuwid ang kanilang gantimpala dito sa lupa, paano pa kaya ang mga walang diyos at mga makasalanan?

Bersikulong Larawan para sa Kawikaan 11:24-31

Kawikaan 11:24-31 - Ang mga taong mapagbigay
ay lalong yumayaman,
ngunit ang mga taong sakim
ay hahantong sa kahirapan.

Ang taong mapagbigay
ay magtatagumpay sa buhay;
ang taong tumutulong
ay tiyak na tutulungan.

Isinusumpa ng mga tao
ang nagtatago ng ani niya,
ngunit ang gustong magtinda nito
ay pinagpapala nila.

Ang naghahanap ng kabutihan,
siyaʼy mapapaburan,
ngunit ang naghahanap ng kasamaan,
itoʼy kanyang makakamtan.

Mabibigo ang taong nagtitiwala
sa kanyang kayamanan,
ngunit ang taong matuwid
ay lalago na parang
sariwang halaman.

Ang mga hangal na nagdadala
ng gulo sa sariling tahanan
ay walang mamanahin sa huli.
Magiging alipin lang sila
ng mga taong may karunungan.

Ang ginagawa ng mga taong matuwid
ay makakatulong sa iba upang mapabuti
at mapahaba ang kanilang buhay.
At madadala niya ang mga tao
sa pamamagitan ng kanyang karunungan.

Kung natatanggap ng matutuwid
ang kanilang gantimpala dito sa lupa,
paano pa kaya ang mga walang diyos
at mga makasalanan?Kawikaan 11:24-31 - Ang mga taong mapagbigay
ay lalong yumayaman,
ngunit ang mga taong sakim
ay hahantong sa kahirapan.

Ang taong mapagbigay
ay magtatagumpay sa buhay;
ang taong tumutulong
ay tiyak na tutulungan.

Isinusumpa ng mga tao
ang nagtatago ng ani niya,
ngunit ang gustong magtinda nito
ay pinagpapala nila.

Ang naghahanap ng kabutihan,
siyaʼy mapapaburan,
ngunit ang naghahanap ng kasamaan,
itoʼy kanyang makakamtan.

Mabibigo ang taong nagtitiwala
sa kanyang kayamanan,
ngunit ang taong matuwid
ay lalago na parang
sariwang halaman.

Ang mga hangal na nagdadala
ng gulo sa sariling tahanan
ay walang mamanahin sa huli.
Magiging alipin lang sila
ng mga taong may karunungan.

Ang ginagawa ng mga taong matuwid
ay makakatulong sa iba upang mapabuti
at mapahaba ang kanilang buhay.
At madadala niya ang mga tao
sa pamamagitan ng kanyang karunungan.

Kung natatanggap ng matutuwid
ang kanilang gantimpala dito sa lupa,
paano pa kaya ang mga walang diyos
at mga makasalanan?Kawikaan 11:24-31 - Ang mga taong mapagbigay
ay lalong yumayaman,
ngunit ang mga taong sakim
ay hahantong sa kahirapan.

Ang taong mapagbigay
ay magtatagumpay sa buhay;
ang taong tumutulong
ay tiyak na tutulungan.

Isinusumpa ng mga tao
ang nagtatago ng ani niya,
ngunit ang gustong magtinda nito
ay pinagpapala nila.

Ang naghahanap ng kabutihan,
siyaʼy mapapaburan,
ngunit ang naghahanap ng kasamaan,
itoʼy kanyang makakamtan.

Mabibigo ang taong nagtitiwala
sa kanyang kayamanan,
ngunit ang taong matuwid
ay lalago na parang
sariwang halaman.

Ang mga hangal na nagdadala
ng gulo sa sariling tahanan
ay walang mamanahin sa huli.
Magiging alipin lang sila
ng mga taong may karunungan.

Ang ginagawa ng mga taong matuwid
ay makakatulong sa iba upang mapabuti
at mapahaba ang kanilang buhay.
At madadala niya ang mga tao
sa pamamagitan ng kanyang karunungan.

Kung natatanggap ng matutuwid
ang kanilang gantimpala dito sa lupa,
paano pa kaya ang mga walang diyos
at mga makasalanan?