Ngunit walang anuman ang lahat ng iyon sa akin. Tama man o mali ang hangarin nila, ang mahalagaʼy naipapangaral si Kristo, at dahil ditoʼy nagagalak ako. At patuloy akong magagalak, dahil alam ko na makakalaya ako sa kalagayang ito sa pamamagitan ng mga panalangin ninyo at sa tulong ng Espiritu ni Hesu-Kristo. Malaki ang hangarin at pag-asa ko na hindi ako mapapahiya, kundi tulad ng dati, magkakaroon ako ng lakas ng loob upang sa pamamagitan ng buhay o kamatayan ko ay maparangalan si Kristo. Sapagkat para sa akin, ang buhay ko ay para kay Kristo. At kung mamatay man ako, kapakinabangan ito sa akin. Kung patuloy naman akong mabubuhay, makakagawa pa ako ng mabubuting bagay. Kaya hindi ko alam ngayon kung alin ang pipiliin ko. Nahahati ang isip ko sa dalawa: Ang mabuhay o ang mamatay. Gusto ko na sanang pumanaw para makapiling na si Kristo, dahil ito ang mas mabuti. Ngunit kailangan kong patuloy na mabuhay para sa kapakanan ninyo. Dahil dito, natitiyak kong mabubuhay pa ako at makakasama ninyo upang matulungan kayong lumago at maging maligaya sa pananampalataya. At kapag nakabalik na ako sa inyo, lalo pa kayong magkakaroon ng dahilan upang purihin si Kristo Hesus. Mamuhay kayo nang naaayon sa Magandang Balita ni Kristo. Nang sa gayon, makadalaw man ako sa inyo o hindi, mababalitaan kong nagkakaisa kayo at sama-samang naninindigan para sa pananampalatayang ayon sa Magandang Balita. Huwag kayong matakot sa mga kumakalaban sa inyo. Dahil kung hindi kayo natatakot, magiging tanda ito sa kanila na mapapahamak sila at ililigtas naman kayo ng Diyos. Sapagkat hindi lang ang pribilehiyong sumampalataya kay Kristo ang ibinigay sa inyo, kundi pati na rin ang dumanas ng hirap alang-alang sa kanya. Ngayon, dinaranas na ninyo ang paghihirap na nakita ninyong dinanas ko noong una, at nababalitaan ninyong dinaranas ko pa rin ito hanggang ngayon.
Basahin Mga Taga-Filipos 1
Makinig sa Mga Taga-Filipos 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Filipos 1:18-30
6 Days
If you find yourself constantly struggling with worry and anxiety, this Bible Plan is for you. There will not be a quick formula that guarantees 100% peace nor will everything related to anxiety be addressed. However, the principles contained in this Plan offer pathways toward victory when they are lived out. You’re invited to begin this journey from anxiety to peace.
18 Araw
Ito, "salamat" na sulat para sa mga taga-Filipos ay nagbibigay sa kanila ng isang masayang pananaw sa mga mahihirap na oras na kanilang kinasasangkutan at hinihikayat silang mapagkumbabang lampasan ang mga ito nang sama-sama. Araw-araw na paglalakbay sa Filipos habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
31 Days
The Bible tells us that "in His presence is fullness of joy" and that "the joy of the Lord is our strength". Joy isn't simply another emotion; it is a fruit of the Spirit and one of the best weapons in your arsenal to fight against discouragement, depression, and defeat. Learn what the Bible has to say about joy, and strengthening yourself to become a defiantly joyful Christian.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas