Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Bilang 22:1-5

Mga Bilang 22:1-5 ASD

Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga Israelita hanggang sa nakarating sila sa kapatagan ng Moab, at nagkampo sila sa silangan ng Ilog Jordan, sa harapan ng Jerico. Alam ni Haring Balak ng Moab, na anak ni Zipor, ang lahat ng ginawa ng mga Israelita sa mga Amoreo, at natakot siya at ang mga Moabita dahil sa dami ng mga Israelita. Sinabi ng mga Moabita sa mga tagapamahala ng Midian, “Uubusin talaga tayo ng mga taong ito, tulad ng baka na nanginginain ng mga damo.” Kaya si Balak na hari ng Moab nang mga panahong iyon ay nagsugo ng mga mensahero para ipatawag si Balaam na anak ni Beor na naninirahan sa Petor, malapit sa Ilog Eufrates, kung saan siya ipinanganak. Ito ang mensahe ni Balak: “May mga taong nanggaling sa Ehipto at masyado silang marami at naninirahan sila malapit sa amin.