Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Bilang 14:1-4

Mga Bilang 14:1-4 ASD

Nang gabing iyon, humagulgol ang lahat ng mamamayan. Nagreklamo ang mga Israelita kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pang namatay na lang tayo sa Ehipto o dito sa disyerto. Bakit pa ba tayo dadalhin ng PANGINOON sa lupaing iyon? Para lang ba mamatay tayo sa labanan at bihagin ang ating mga asawaʼt anak? Mabuti pa sigurong bumalik na lang tayo sa Ehipto.” At nag-usap-usap sila, “Pumili tayo ng pinuno at bumalik sa Ehipto!”