Mga Bilang 1
1
Ang Unang Sensus sa Israel
1Noong unang araw ng ikalawang buwan, nang ikalawang taon mula nang lumabas ang mga Israelita sa Ehipto, sinabi ng Panginoon kay Moises doon sa Toldang Tipanan sa disyerto ng Sinai. Sabi niya, 2“Isensus ninyo ang lahat ng mga mamamayan ng Israel ayon sa kanilang lahi at pamilya. Ilista ninyo ang pangalan ng lahat ng lalaki. 3Kayong dalawa ni Aaron ang mamamahala sa pagbibilang mula sa mga pangkat, at sa paglilista ng mga lalaking dalawampung taóng gulang pataas na may kakayahang maging mga sundalo. 4Tutulong sa inyo ang pinuno ng bawat lahi.
5“Ito ang pangalan ng mga taong tutulong sa inyo:
“mula sa lahi ni Ruben, si Elizur na anak ni Sedeur
6mula sa lahi ni Simeon, si Selumiel na anak ni Zurishadai
7mula sa lahi ni Juda, si Naason na anak ni Aminadab
8mula sa lahi ni Isacar, si Netanel na anak ni Zuar
9mula sa lahi ni Zebulun, si Eliab na anak ni Helon
10mula sa lahi ni Jose,
mula sa lahi ni Efraim, si Elisama na anak ni Amihud
mula sa lahi ni Manases, si Gamaliel na anak ni Pedazur
11mula sa lahi ni Benjamin, si Abidan na anak ni Gideoni
12mula sa lahi ni Dan, si Ahiezer na anak ni Amishadai
13mula sa lahi ni Asher, si Pagiel na anak ni Ocran
14mula sa lahi ni Gad, si Eliasaf na anak ni Deuel
15mula sa lahi ni Neftali, si Ahira na anak ni Enan.
16“Sila ang mga pinuno ng mga lahing pinili mula sa mga mamamayan ng Israel.”
17Ipinatawag ni Moises at Aaron ang lahat ng lalaking napili, 18at sa araw ding iyon, tinipon nila ang buong sambayanan ng mga Israelita. Pagkatapos, ipinatala ng mga tao ang kanilang mga ninuno ayon sa lahi at pamilya, gayundin ang mga lalaking may edad na dalawampung taóng gulang pataas. 19Inilista sila ni Moises doon sa disyerto ng Sinai, ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
20Mula sa mga apo ni Ruben, ang panganay na lalaki ni Israel:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 21Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Ruben ay 46,500.
22Mula sa mga apo ni Simeon:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 23Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Simeon ay 59,300.
24Mula sa mga apo ni Gad:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 25Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Gad ay 45,650.
26Mula sa mga apo ni Juda:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 27Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Juda ay 74,600.
28Mula sa mga apo ni Isacar:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 29Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Isacar ay 54,400.
30Mula sa mga po ni Zebulun:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 31Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Zebulun ay 57,400.
32Mula sa mga anak na lalaki ni Jose:
Mula sa mga apo ni Efraim:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 33Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Efraim ay 40,500.
34Mula sa mga apo ni Manases:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 35Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Manases ay 32,200.
36Mula sa mga apo ni Benjamin:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 37Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Benjamin ay 35,400.
38Mula sa mga apo ni Dan:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 39Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Dan ay 62,700.
40Mula sa mga apo ni Asher:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 41Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Asher ay 41,500.
42Mula sa mga apo ni Neftali:
Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya. 43Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Neftali ay 53,400.
44Sila ang mga lalaking nabilang nina Moises at Aaron at ng labindalawang pinuno ng Israel. Ang bawat isa sa kanila ay kumakatawan sa kani-kanilang pamilya. 45Lahat sila ay dalawampung taóng gulang pataas at may kakayahang maging sundalo ng Israel. 46Ang kabuuang bilang nila ay 603,550 lahat.
47Ngunit hindi isinama sa bilang dito ang mga lahi ni Levi. 48Sapagkat sinabi ng Panginoon kay Moises, 49“Huwag ninyong isama ang lahi ni Levi sa sensus kasama ng ibang mga Israelitang magsisilbi sa panahon ng labanan. 50Sa halip ay ibigay ninyo sa mga Levita ang tungkulin na pamahalaan ang Toldang kinalalagyan ng aking mga utos at ng lahat ng kagamitan nito. Sila ang magdadala ng Tolda at ng lahat ng kagamitan nito, at kailangang pangalagaan nila ito at magkampo sa paligid nito. 51Kapag ililipat na ang Tolda, sila ang magliligpit nito. At kung itatayo naman, sila rin ang magtatayo nito. Ang sinumang gagawa ng ganitong gawain sa Tolda na hindi Levita ay papatayin. 52Magkakampo ang mga Israelita ayon sa bawat lahi nila, at may bandila ang bawat lahi. 53Ngunit ang mga Levita ay magkakampo sa paligid ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos upang hindi ako magalit sa mga mamamayan ng Israel. Ang mga Levita ang responsable sa pangangalaga ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos.”
54Ginawa itong lahat ng mga Israelita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
Kasalukuyang Napili:
Mga Bilang 1: ASD
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.