Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nehemias 7:1-2

Nehemias 7:1-2 ASD

Nang matapos na ang pader ng lungsod at naikabit na ang mga pinto nito, itinalaga sa tungkulin nila ang mga tagapagbantay ng mga pintuan ng lungsod, ang mga mang-aawit, at ang mga Levita. Ibinigay ko ang tungkulin ng pamamahala sa Jerusalem sa kapatid kong si Hanani kasama si Hananias na kumander ng mga guwardiya sa kuta. Pinili ko si Hanania dahil mapagkakatiwalaan siya at may takot sa Diyos higit sa karamihan.