Marcos 1:35, 36, 37, 38, 39, 40, 41, 42, 43, 44, 45
Marcos 1:35 ASD
Kinabukasan ng madaling-araw, bumangon si Hesus at pumunta sa ilang upang manalangin.
Marcos 1:36 ASD
Hindi nagtagal, hinanap siya nina Simon at ng mga kasamahan niya.
Marcos 1:37 ASD
Nang matagpuan nila si Hesus, sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng lahat.”
Marcos 1:38 ASD
Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Pumunta naman tayo sa mga kalapit-bayan, upang makapangaral din ako roon, dahil ito ang dahilan kung bakit ako naparito sa mundo.”
Marcos 1:39 ASD
Kaya nilibot ni Hesus ang buong Galilea at nangaral sa mga sinagoga, at pinalayas ang mga demonyo sa mga taong sinapian ng mga ito.
Marcos 1:40 ASD
Lumapit kay Hesus ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. Sinabi niya, “Kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.”
Marcos 1:41 ASD
Naawa si Hesus sa kanya, kaya hinawakan niya ito at sinabi, “Gusto ko. Gumaling ka!”
Marcos 1:42 ASD
Agad na nawala ang kanyang sakit sa balat, at siyaʼy naging malinis.
Marcos 1:44 ASD
“Huwag mo itong ipagsasabi kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Dalhin mo ang handog na hinihiling ng Kautusan ni Moises sa mga taong gumaling sa sakit sa balat. Gawin mo ito bilang patunay sa mga tao na malinis ka na.”
Marcos 1:45 ASD
Ngunit pagkaalis niya ay ipinamalita niya ang nangyari sa kanya. Kaya kumalat ang balitang ito hanggang sa hindi na lantarang makapasok si Hesus sa mga bayan dahil pinagkakaguluhan siya ng mga tao. Kaya doon na lang siya nanatili sa mga ilang. Ngunit pumupunta pa rin doon ang mga tao mula sa ibaʼt ibang lugar.