Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Micas 7:1-5

Micas 7:1-5 ASD

Sinabi ni Micas: Kahabag-habag ako! Para akong isang gutom na naghahanap ng natitirang bunga ng ubas o igos ngunit walang makita ni isang kumpol nito. Wala na akong nakitang tao sa Israel na tapat sa Diyos. Wala nang natirang taong matuwid. Ang bawat isa ay naghahanap ng pagkakataon upang patayin ang kanyang kababayan, tulad ng taong naghahanda ng bitag para sa hayop na kanyang huhulihin. Bihasa silang gumawa ng kasamaan. Ang mga pinuno at mga hukom ay tumatanggap ng suhol. Sumusunod lamang sila sa gusto ng mga taong tanyag at makapangyarihan. Nagkakaisa sila upang baluktutin ang katarungan. Ang pinakamabuti sa kanila ay parang dawag na walang silbi. Dumating na ang panahon ng pagpaparusa ng Diyos sa mga taong ito, gaya ng kanyang babala sa kanila sa pamamagitan ng mga propeta na parang mga guwardiya sa tore. Dumating na ang panahon ng kanilang pagkalito. Huwag na kayong magtiwala sa inyong kapwa o sa inyong mga kaibigan. At mag-ingat kayo sa inyong sinasabi kahit na sa inyong mahal na asawa.