Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Micas 3:1-4

Micas 3:1-4 ASD

Sinabi ni Micas: “Makinig kayo, mga pinuno ng Israel at Juda! Hindi baʼt kayo ang dapat magpatupad ng katarungan? Subalit napopoot kayo sa kabutihan at minamahal ang kasamaan. Binabalatan ninyo ang aking mamamayan, tinatanggalan ninyo ng laman ang kanilang mga buto. Kinakain ninyo ang kanilang laman, inaalisan sila ng balat, Binabali ang kanilang buto hanggang magkapira-piraso. Tinatadtad ninyo sila tulad ng mga karneng iluluto, mga laman na pakukuluan sa kaldero. “Sa araw ng pagpaparusa sa inyo, hihingi kayo ng tulong sa PANGINOON, ngunit hindi niya kayo tutulungan; itatakwil niya kayo dahil sa inyong kasamaang ginagawa.