Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 9:20-22

Mateo 9:20-22 ASD

Habang papunta sila, may isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo. Lumapit siya sa likuran ni Hesus at hinipo ang laylayan ng damit niya. Sapagkat naisip ng babae, “Mahawakan ko lang ang damit niya ay gagaling na ako.” Lumingon si Hesus at nakita siya. Sabi niya, “Lakasan mo ang iyong loob, anak. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At gumaling nga ang babae sa sandaling iyon.