Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 8:23-27

Mateo 8:23-27 ASD

Pagkatapos, sumakay sa bangka si Hesus, at sumáma ang mga alagad niya. At habang naglalayag sila, biglang dumating ang malakas na bagyo at halos matabunan na ng malalaking alon ang kanilang bangka. Samantala, si Hesus naman ay natutulog. Kaya nilapitan siya ng mga alagad niya at ginising. Sumigaw sila, “Panginoon, iligtas nʼyo kami! Malulunod na tayo!” Sumagot si Hesus, “Bakit kayo natatakot? Kay liit ng inyong pananampalataya.” Bumangon si Hesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at naging payapa ang lahat. Namangha ang mga alagad niya at sinabi, “Anong klaseng tao ito? Kahit ang hangin at mga alon ay napapasunod niya!”