Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 5:33-37

Mateo 5:33-37 ASD

“Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Huwag mong sirain ang iyong pangako, sa halip ay tuparin mo ang iyong sinumpaang panata sa Panginoon.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na kung mangangako kayo, huwag kayong susumpa. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ dahil naroon ang trono ng Diyos, o ‘Saksi ko ang lupa,’ dahil ito ang tuntungan ng kanyang paa, o ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ dahil ito ang lungsod ng dakilang hari. At huwag din ninyong sasabihing, ‘Mamatay man ako!’ dahil ni isang hibla ng buhok sa inyong ulo ay hindi ninyo kayang paputiin o paitimin. Sabihin ninyong ‘Oo’ kung oo, at ‘Hindi’ kung hindi; anumang higit pa rito ay galing na sa masama.