Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 5:22-24

Mateo 5:22-24 ASD

Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang sinumang may galit sa kanyang kapatid ay lilitisin. At ang sinumang manlait sa kanyang kapatid ay ihaharap sa Sanhedrin. Gayundin ang sinumang mang-aalipusta ay itatapon sa apoy ng impiyerno. “Kaya kung mag-aalay ka ng handog sa altar ng Diyos, at naalala mong may hinanakit sa iyo ang iyong kapatid, iwan mo muna sa harap ng altar ang iyong handog at makipagkasundo ka sa kanya. At saka ka bumalik at maghandog sa Diyos.