Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 28:1-9

Mateo 28:1-9 ASD

Pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga, sa madaling-araw ng Linggo, pumunta sa libingan si Maria Magdalena kasama ang isa pang Maria para tingnan ito. Biglang lumindol nang malakas, dahil isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit at iginulong ang batong nakatakip sa libingan at inupuan ito. Nakakasilaw na parang liwanag ng kidlat ang kanyang anyo at puting-puti ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga sundalong nagbabantay nang makita ang anghel at silaʼy nabuwal na parang mga patay. Sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, dahil nabuhay siyang muli tulad ng sinabi niya. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan ng kanyang bangkay. Pagkatapos, puntahan nʼyo agad ang mga alagad niya, at sabihin ninyo sa kanila na nabuhay siyang muli at mauuna siya sa inyo sa Galilea. Doon ninyo siya makikita. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo!” Kaya dali-daling umalis ang mga babae mula sa libingan, na bagamaʼt takot na takot ay puno ng kagalakan, at patakbo silang pumunta sa mga alagad para sabihin ang mensahe ng anghel. Ngunit habang tumatakbo sila, bigla silang sinalubong ni Hesus sa daan at binati. Lumapit sila kay Hesus, niyakap ang kanyang mga paa at sinamba siya.

Video para sa Mateo 28:1-9