Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 24:4-7

Mateo 24:4-7 ASD

Sumagot si Hesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo malinlang ninuman. Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan at sasabihing sila ang Mesias, at marami ang kanilang ililigaw. Makakarinig kayo ng mga digmaan, at usap-usapan na may mga digmaan, ngunit huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang katapusan. Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at paglindol sa ibaʼt ibang lugar.