At sinasabi ninyo na kung buhay sana kayo sa panahon ng inyong mga ninuno, hindi ninyo papatayin ang mga propeta tulad ng ginawa nila. Kung ganoon, inaamin nga ninyo na lahi kayo ng mga taong pumatay sa mga propeta! Sige, tapusin nʼyo ang sinimulan ng inyong mga ninuno! “Mga ahas! Lahi kayo ng mga ulupong! Hindi nʼyo matatakasan ang kaparusahan sa impiyerno! Kaya makinig kayong mabuti! Magpapadala ako sa inyo ng mga propeta, marurunong na tao na magtuturo sa inyo ng salita ng Diyos. Papatayin ninyo ang ilan sa kanila, at ang ibaʼy ipapako sa krus. Ang ibaʼy hahagupitin ninyo sa inyong sinagoga, at tutugisin ninyo saan man sila magpunta. Dahil dito, mananagot kayo sa pagpatay sa lahat ng taong matuwid mula kay Abel hanggang kay Zacarias na anak ni Baraquias, na pinatay ninyo sa pagitan ng Templo at ng altar. Talagang kayong mga nabubuhay sa panahong ito ang mananagot sa lahat ng mga kasalanang ito. “Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propeta na sinusugo ng Diyos sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin gaya ng isang inahing manok na nagtitipon at nagkakanlong ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, ngunit ayaw ninyo. Kaya ngayon, makinig kayo! Iiwan na ng Diyos ang inyong Templo at lubusang pababayaan na ito. Sapagkat hindi nʼyo na ako makikita hanggang sa dumating ang panahon na sabihin ninyo, ‘Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.’”
Basahin Mateo 23
Makinig sa Mateo 23
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 23:30-39
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas