Mateo 21:12-46
Mateo 21:12-46 ASD
Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga tulisan!’” May mga bulag at pilay na lumapit kay Hesus doon sa Templo, at pinagaling niya silang lahat. Nagalit ang mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga himalang ginawa ni Hesus, at nang marinig nila ang mga batang sumisigaw doon sa Templo ng, “Purihin ang Anak ni David!” Sinabi nila kay Hesus, “Naririnig mo ba ang sinasabi nila?” Sumagot si Hesus, “Oo. Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? Sinabi doon, Kahit ang mga bata at sanggol ay tinuruan ng Diyos na magpuri sa kanya.” Pagkatapos, iniwan sila ni Hesus. Lumabas siya ng lungsod at nagpunta sa Betania, at doon siya nagpalipas ng gabi. Kinaumagahan, habang pabalik na sina Hesus sa lungsod ng Jerusalem, nagutom siya. May nakita siyang puno ng igos sa tabi ng daan, kaya nilapitan niya ito. Ngunit wala siyang nakitang bunga kundi puro mga dahon. Kaya sinabi niya sa puno, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” At agad na natuyo ang puno. Namangha ang mga alagad ni Hesus nang makita nila iyon. Sinabi nila, “Paanong natuyo kaagad ang puno?” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo at walang pag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos. At hindi lang iyan, maaari rin ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka sa dagat!’ at lilipat nga ito. Anumang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin ay matatanggap ninyo kung may pananampalataya kayo.” Bumalik sa Templo si Hesus, at habang nagtuturo siya, nilapitan siya ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo at tinanong, “Ano ang awtoridad mong gumawa ng mga bagay na ginagawa mo? Sino ang nagbigay saʼyo ng awtoridad na iyan?” Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. At kapag sinagot ninyo, sasabihin ko kung ano ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito. Kanino galing ang awtoridad ni Juan upang magbautismo, sa Diyos o sa tao?” Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’ Ngunit kung sasabihin nating mula sa tao, magagalit sa atin ang mga tao, dahil naniniwala silang si Juan ay propeta ng Diyos.” Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.” At sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.” Sinabi pa ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: “Ano sa palagay ninyo ang kahulugan nito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa panganay at sinabi, ‘Anak, pumunta ka ngayon sa ating ubasan at magtrabaho.’ “Sumagot siya, ‘Ayaw ko po.’ Ngunit maya-maya ay nagbago ang isip niya at pumunta rin. “Lumapit din ang ama sa bunso at ganoon din ang sinabi. Sumagot ang bunso, ‘Opo,’ ngunit hindi naman siya pumunta. “Sino ngayon sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?” Sumagot sila, “Ang panganay.” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay nauuna pa sa inyong makapasok sa kaharian ng Diyos. Sapagkat dumating sa inyo si Juan na Tagapagbautismo, at itinuro sa inyo ang tamang daan sa matuwid na pamumuhay, ngunit hindi kayo naniwala. Subalit ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay naniwala sa kanya. At kahit na nakita ninyo ito, hindi pa rin kayo nagsisi sa mga kasalanan ninyo at naniwala sa kanya. “Makinig kayo sa isa pang talinghaga: May isang taong may bukid na pinataniman niya ng ubas. Pinabakuran niya ito at nagpagawa ng pisaan ng ubas. Nagtayo rin siya ng isang bantayang tore. At pagkatapos ay pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar. Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang kanyang mga alipin sa mga magsasakang umuupa sa ubasan niya para kunin ang kanyang parte. “Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang mga alipin. Binugbog nila ang isa, pinatay ang isa at binato naman ang isa pa. Nagsugo ulit ang may-ari ng mas maraming alipin, at ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. Nang bandang huli, pinapunta ng may-ari ang kanyang anak. Ang akala niyaʼy igagalang nila ito. “Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak ng may-ari, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya para mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’ Kaya sinunggaban nila ito, dinala sa labas ng ubasan at pinatay. “Ano kaya sa palagay ninyo ang gagawin ng may-ari sa kanyang pagbabalik?” Sumagot ang mga tao, “Tiyak na papatayin niya ang masasamang taong iyon, at pauupahan niya ang kanyang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay sa kanya ng parte niya sa bawat panahon ng pamimitas.” Sinabi sa kanila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon. Gawa ito ng Panginoon at kahanga-hanga ito sa atin!’ “Kaya tandaan ninyo: Ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong sumusunod sa kanyang kalooban. [ Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, at sinumang mahulugan nito ay madudurog.]” Nang marinig ng mga namamahalang pari at ng mga Pariseo ang talinghagang iyon, alam nilang sila ang tinutukoy ni Hesus. Kaya gusto nilang dakpin si Hesus, ngunit natatakot sila sa mga tao na naniniwalang si Hesus ay isang propeta.
![Mateo 21:12-46 - Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga tulisan!’”
May mga bulag at pilay na lumapit kay Hesus doon sa Templo, at pinagaling niya silang lahat. Nagalit ang mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga himalang ginawa ni Hesus, at nang marinig nila ang mga batang sumisigaw doon sa Templo ng, “Purihin ang Anak ni David!”
Sinabi nila kay Hesus, “Naririnig mo ba ang sinasabi nila?”
Sumagot si Hesus, “Oo. Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? Sinabi doon,
Kahit ang mga bata at sanggol
ay tinuruan ng Diyos na magpuri sa kanya.”
Pagkatapos, iniwan sila ni Hesus. Lumabas siya ng lungsod at nagpunta sa Betania, at doon siya nagpalipas ng gabi.
Kinaumagahan, habang pabalik na sina Hesus sa lungsod ng Jerusalem, nagutom siya. May nakita siyang puno ng igos sa tabi ng daan, kaya nilapitan niya ito. Ngunit wala siyang nakitang bunga kundi puro mga dahon. Kaya sinabi niya sa puno, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” At agad na natuyo ang puno.
Namangha ang mga alagad ni Hesus nang makita nila iyon. Sinabi nila, “Paanong natuyo kaagad ang puno?”
Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo at walang pag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos. At hindi lang iyan, maaari rin ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka sa dagat!’ at lilipat nga ito. Anumang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin ay matatanggap ninyo kung may pananampalataya kayo.”
Bumalik sa Templo si Hesus, at habang nagtuturo siya, nilapitan siya ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo at tinanong, “Ano ang awtoridad mong gumawa ng mga bagay na ginagawa mo? Sino ang nagbigay saʼyo ng awtoridad na iyan?”
Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. At kapag sinagot ninyo, sasabihin ko kung ano ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito. Kanino galing ang awtoridad ni Juan upang magbautismo, sa Diyos o sa tao?”
Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’ Ngunit kung sasabihin nating mula sa tao, magagalit sa atin ang mga tao, dahil naniniwala silang si Juan ay propeta ng Diyos.”
Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.”
At sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.”
Sinabi pa ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: “Ano sa palagay ninyo ang kahulugan nito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa panganay at sinabi, ‘Anak, pumunta ka ngayon sa ating ubasan at magtrabaho.’
“Sumagot siya, ‘Ayaw ko po.’ Ngunit maya-maya ay nagbago ang isip niya at pumunta rin.
“Lumapit din ang ama sa bunso at ganoon din ang sinabi. Sumagot ang bunso, ‘Opo,’ ngunit hindi naman siya pumunta.
“Sino ngayon sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?”
Sumagot sila, “Ang panganay.”
Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay nauuna pa sa inyong makapasok sa kaharian ng Diyos. Sapagkat dumating sa inyo si Juan na Tagapagbautismo, at itinuro sa inyo ang tamang daan sa matuwid na pamumuhay, ngunit hindi kayo naniwala. Subalit ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay naniwala sa kanya. At kahit na nakita ninyo ito, hindi pa rin kayo nagsisi sa mga kasalanan ninyo at naniwala sa kanya.
“Makinig kayo sa isa pang talinghaga: May isang taong may bukid na pinataniman niya ng ubas. Pinabakuran niya ito at nagpagawa ng pisaan ng ubas. Nagtayo rin siya ng isang bantayang tore. At pagkatapos ay pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar. Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang kanyang mga alipin sa mga magsasakang umuupa sa ubasan niya para kunin ang kanyang parte.
“Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang mga alipin. Binugbog nila ang isa, pinatay ang isa at binato naman ang isa pa. Nagsugo ulit ang may-ari ng mas maraming alipin, at ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. Nang bandang huli, pinapunta ng may-ari ang kanyang anak. Ang akala niyaʼy igagalang nila ito.
“Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak ng may-ari, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya para mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’ Kaya sinunggaban nila ito, dinala sa labas ng ubasan at pinatay.
“Ano kaya sa palagay ninyo ang gagawin ng may-ari sa kanyang pagbabalik?”
Sumagot ang mga tao, “Tiyak na papatayin niya ang masasamang taong iyon, at pauupahan niya ang kanyang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay sa kanya ng parte niya sa bawat panahon ng pamimitas.”
Sinabi sa kanila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan?
‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay
ang siyang naging batong pundasyon.
Gawa ito ng Panginoon
at kahanga-hanga ito sa atin!’
“Kaya tandaan ninyo: Ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong sumusunod sa kanyang kalooban. [ Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, at sinumang mahulugan nito ay madudurog.]”
Nang marinig ng mga namamahalang pari at ng mga Pariseo ang talinghagang iyon, alam nilang sila ang tinutukoy ni Hesus. Kaya gusto nilang dakpin si Hesus, ngunit natatakot sila sa mga tao na naniniwalang si Hesus ay isang propeta.](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2F320x320%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fstatic-youversionapi-com%2Fimages%2Fbase%2F109737%2F1280x1280.jpg&w=640&q=75)



