YouVersion Logo
Search Icon

Mateo 20:1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16

Mateo 20:1 ASD

“Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa kuwentong ito: Isang araw, maagang lumabas ang isang may-ari ng ubasan para humanap ng mga manggagawa.

Mateo 20:2 ASD

Nang makakita siya ng mga manggagawa, nakipagkasundo siya sa kanila na makakatanggap sila ng karampatang sahod para sa isang araw na trabaho, at pagkatapos ay pinapunta ang mga ito sa kanyang ubasan.

Mateo 20:3 ASD

“Nang mga alas nuwebe na ng umaga, lumabas siyang muli at may nakita siyang mga taong walang trabaho at nakatambay lang sa may pamilihan.

Mateo 20:4 ASD

Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta kayo sa ubasan ko at magtrabaho. Babayaran ko kayo nang nararapat.’

Mateo 20:5 ASD

Kaya pumunta ang mga ito sa ubasan. “Muli siyang lumabas bandang tanghali at mga alas tres ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya.

Mateo 20:6 ASD

Nang mag-aalas singko na ng hapon, muli na naman siyang lumabas at nakakita pa ng mga ilan na nakatambay lang. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit maghapon kayong nakatayo diyan at walang ginagawa?’

Mateo 20:7 ASD

“Sumagot sila, ‘Dahil wala naman pong nagbigay sa amin ng trabaho.’ “Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta kayo sa ubasan ko at magtrabaho.’

Mateo 20:8 ASD

“Nang magtatakip-silim na, sinabi ng may-ari sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at bigyan ng sahod. Unahin mo ang mga huling nagtrabaho, hanggang sa mga unang nagtrabaho.’

Mateo 20:9 ASD

“Dumating ang mga nagsimula nang alas singko ng hapon, at tumanggap sila ng sahod para sa isang araw na trabaho.

Mateo 20:10 ASD

Nang dumating na ang mga naunang nagtrabaho, inakala nilang tatanggap sila ng higit kaysa sa mga huling nagtrabaho. Ngunit tumanggap din sila ng ganoon ding halaga.

Mateo 20:11 ASD

Pagkatanggap nila ng sahod, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan.

Mateo 20:12 ASD

Sinabi nila, ‘Ang mga huling dumating ay isang oras lang nagtrabaho, samantalang kami ay nagtrabaho ng buong araw at nagtiis ng init, ngunit pareho lang ang sahod namin!’

Mateo 20:13 ASD

“Sinagot ng may-ari ang isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi baʼt nagkasundo tayo na bibigyan kita ng sahod para sa isang araw na trabaho?

Mateo 20:14 ASD

Kaya tanggapin mo na ang sahod mo, at umuwi ka na. Nagpasya ako na bigyan ng parehong sahod ang mga huling nagtrabaho.

Mateo 20:15 ASD

Hindi baʼt may karapatan akong gawin ang gusto ko sa pera ko? O naiinggit lang kayo dahil mabuti ako sa kanila?’ ”

Mateo 20:16 ASD

Pagkatapos sinabi ni Hesus, “Ang mga hamak ngayon ay magiging dakila, at ang mga dakila ngayon ay magiging hamak.”

Free Reading Plans and Devotionals related to Mateo 20:1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16