Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 19:1-9

Mateo 19:1-9 ASD

Pagkatapos ipangaral ni Hesus ang mga bagay na ito, umalis siya sa Galilea at pumunta sa lalawigan ng Judea sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan. Maraming tao ang sumunod sa kanya at pinagaling niya sila sa kanilang mga sakit. May mga Pariseong pumunta sa kanya para subukin siya. Kaya nagtanong sila, “Ipinapahintulot ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang asawa niya sa kahit anong dahilan?” Sumagot si Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan na sa simula pa lang, nang likhain ng Diyos ang mundo, ‘ginawa niya ang tao na lalaki at babae’? At sinabi pa niya, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. At silang dalawa ay magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos.” Nagtanong uli ang mga Pariseo, “Ngunit bakit sinabi ni Moises na pinapayagang hiwalayan ng lalaki ang asawa niya, bastaʼt bigyan niya ito ng kasulatan ng paghihiwalay?” Sumagot si Hesus sa kanila, “Ipinahintulot ito ni Moises sa inyo dahil sa katigasan ng ulo ninyo. Ngunit hindi iyan ang layunin ng Diyos mula sa simula. Kaya sinasabi ko sa inyo, kung hiwalayan ng lalaki ang asawa niya sa anumang dahilan maliban sa seksuwal na imoralidad, at pagkatapos ay mag-asawa ng iba, nagkasala siya ng pangangalunya. [ At ang nag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.]”