Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 16:13-18

Mateo 16:13-18 ASD

Nang makarating si Hesus sa lupain ng Cesarea na sakop ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa Anak ng Tao?” Sumagot sila, “May mga nagsasabi pong si Juan na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring si Elias, at ang iba namaʼy nagsasabing si Jeremias o isa sa mga propeta.” Tinanong sila ni Hesus, “Ngunit sa inyo, sino ako?” Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Pinagpala ka ng Diyos, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit. At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro. At sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya, at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.