Nang mabalitaan iyon ni Hesus, sumakay siya sa bangka at pumunta sa isang tahimik na lugar. Nang malaman ng mga tao mula sa ibaʼt ibang bayan na nakaalis na si Hesus, naglakad sila patungo sa lugar na pupuntahan niya. Kaya nang bumaba si Hesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Naawa siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit. Nang magdapit-hapon na, lumapit kay Hesus ang mga alagad niya at sinabi, “Liblib ang lugar na ito at gumagabi na. Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.” Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi na nila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Mayroon lang po tayong limang tinapay at dalawang isda.” “Dalhin ninyo ang mga ito sa akin,” ang sabi ni Hesus. Inutusan niya ang mga tao na maupo sa damuhan. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang kaing. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga limang libo, maliban pa sa mga babae at mga bata.
Basahin Mateo 14
Makinig sa Mateo 14
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 14:13-21
14 Mga araw
The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas