Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 13:3-8

Mateo 13:3-8 ASD

Marami siyang itinuro sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga o paghahalintulad. Sinabi niya, “May isang magsasakang naghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at pinagtutuka ang mga binhing iyon. May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar, kung saan walang gaanong lupa. Mabilis na tumubo ang binhi dahil mababaw ang lupa. Ngunit natuyo rin ito nang masikatan ng araw, at namatay dahil hindi masyadong nag-ugat. May mga binhi namang nahulog sa may matitinik na damo. Lumago ang mga damo at sinikil ang mga tumubong binhi. Ang iba namaʼy nahulog sa matabang lupa, lumago at namunga. May tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisang daan.