Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 12:33-37

Mateo 12:33-37 ASD

“Nakikilala ang puno sa bunga nito. Kung mabuti ang puno, mabuti rin ang bunga nito. Kung masama ang puno, masama rin ang bunga nito. Kayong lahi ng mga ulupong! Paano kayo makakapagsalita ng mabuti gayong masasama kayo? Sapagkat kung ano ang laman ng puso ng isang tao, ito ang lumalabas sa kanyang bibig. Ang mabuting tao ay nagsasalita ng mabuti, dahil puno ng kabutihan ang kanyang puso. Ngunit ang masamang tao ay nagsasalita ng masama, dahil puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kuwentang salitang binitiwan niya. Sapagkat ibabatay sa mga salita ninyo kung paparusahan kayo o hindi.”