May dinala ang mga tao kay Hesus na isang lalaking bulag at pipi na sinasapian ng demonyo. Pinagaling siya ni Hesus kaya siyaʼy nakakakita at nakapagsasalita na. Namangha ang lahat at sinabi, “Ito na nga kaya ang Anak ni David?” Ngunit nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, “Si Satanas na pinuno ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu!” Alam ni Hesus ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa kanila, “Kung ang isang kaharian ay nagkakawatak-watak at naglalaban-laban, babagsak ito. Ganito rin ang mangyayari sa isang lungsod o tahanan na ang mga nakatira ay nag-aaway-away. Kaya kung si Satanas mismo ang nagpapalayas sa kanyang mga kampon, nagpapakita lang ito na nagkakahati-hati sila at nag-aaway-away. Kung ganoon, paano mananatili ang kanyang kaharian? At kung si Satanas nga ang nagbigay sa akin ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa mga alagad ninyo na nagpapalayas din ng masasamang espiritu? Sila na rin ang nagpapatunay na mali kayo. Ngayon, kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, nangangahulugan ito na dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.
Basahin Mateo 12
Makinig sa Mateo 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 12:22-28
12 Araw
Alamin kung paano ipinamalas ni Hesus ang Kaniyang kapangyarihan at habag nang Kaniyang pagalingin ang mga tao noong Siya'y narito pa sa lupa. Sa gabay na ito na may labindalawang bahagi, bawat araw ay may maikling video na nakatuon sa isa sa mga pinagaling ni Hesus.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas