Mateo 11:28-30
Mateo 11:28-30 ASD
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, dahil madaling sundin ang mga utos ko at magaan ang ipinapagawa ko.”









