Ang labindalawang itoʼy sinugo ni Hesus at binilinan, “Huwag kayong pupunta sa mga Hentil o papasok sa alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip, puntahan ninyo ang sambayanang Israel dahil sila ay parang mga nawawalang tupa. Ipahayag ninyo sa kanila na malapit na ang paghahari ng Langit. Pagalingin nʼyo ang mga may sakit, buhayin nʼyo ang mga patay, pagalingin nʼyo ang mga may malubhang sakit sa balat, at palayasin nʼyo ang mga demonyo. Tinanggap nʼyo ang kapangyarihang ito nang walang bayad, kaya ipamahagi rin ninyo nang walang bayad. “Huwag kayong magbaon ng pera, o kayaʼy magdala ng balutan, damit na pambihis, sandalyas o tungkod. Sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat tumanggap ng kanyang ikabubuhay. “Sa alinmang bayan o nayon na inyong pupuntahan, humanap kayo ng taong malugod kayong tatanggapin sa kanyang bahay, at makituloy kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo. Sa pagpasok nʼyo sa tahanang iyon, batiin nʼyo ang lahat ng nakatira doon. Kung karapat-dapat ang tahanang iyon, igawad ninyo sa kanila ang inyong pagpapala. Kung hindi, bawiin ninyo ito. Kung mayroong hindi tumanggap sa inyo o ayaw makinig sa inyong sasabihin, umalis kayo sa tahanan o bayang iyon, at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin nila kaysa sa mga taga-Sodoma at taga-Gomora.
Basahin Mateo 10
Makinig sa Mateo 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 10:5-15
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas