Mateo 10:37-42
Mateo 10:37-42 ASD
“Ang nagmamahal sa kanyang mga magulang nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat na maging alagad ko. At ang nagmamahal sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat na maging alagad ko. Ang sinumang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat na maging alagad ko. Ang sinumang nagsisikap magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakaroon nito. “Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang sinumang tumatanggap sa isang propeta dahil sa kanyang pagkapropeta ay makatatanggap ng gantimpalang naaayon sa isang propeta. At ang sinumang tumatanggap sa matuwid na tao dahil sa kanyang pagkamatuwid ay makatatanggap ng gantimpalang naaayon sa matuwid na tao. At ang sinumang magbibigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa pinakahamak kong alagad ay tiyak na makakatanggap ng gantimpala.”


