Mateo 1:18, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25
Mateo 1:18 ASD
Ganito nangyari ang kapanganakan ni Hesus, ang Mesias: Si Maria na kanyang ina ay ipinagkasundong ikasal kay Jose. Ngunit bago pa sila ikasal, nalaman ni Maria na siyaʼy nagdadalantao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
Mateo 1:19 ASD
Si Jose na mapapangasawa niya ay isang matuwid na tao at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan na lang si Maria nang palihim.
Mateo 1:20 ASD
Ngunit habang pinag-iisipan niya ito, may isang anghel ng Panginoon na nagpakita sa kanya sa panaginip. Sinabi nito, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang ipinagbubuntis niyaʼy mula sa Banal na Espiritu.
Mateo 1:21 ASD
Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Hesus dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
Mateo 1:22 ASD
Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta
Mateo 1:23 ASD
“Magdadalantao ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Immanuel” (na ang ibig sabihin ay “Kasama natin ang Diyos”).
Mateo 1:24 ASD
Nang magising si Jose, ginawa nga niya ang ipinag-utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan si Maria.
Mateo 1:25 ASD
Ngunit hindi siya sumiping kay Maria hanggang sa maipanganak nito ang sanggol. Nang maisilang na ang sanggol, pinangalanan siya ni Jose ng Hesus.