Nang malapit na ang araw para bumalik si Hesus sa langit, nagpasya siyang pumunta sa Jerusalem. Kaya pinauna niya ang ilang tao sa isang nayon ng mga Samaritano upang humanap ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga tagaroon dahil alam nilang papunta siya sa Jerusalem. Nang malaman iyon ng mga alagad ni Hesus na sina Santiago at Juan, sinabi nila kay Hesus, “Panginoon, gusto nʼyo po bang humingi kami ng apoy mula sa langit para sunugin sila?” Ngunit lumingon si Hesus at pinagsabihan sila. At tumuloy na lang sila sa ibang nayon.
Basahin Lucas 9
Makinig sa Lucas 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 9:51-56
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas