Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 6:24-27

Lucas 6:24-27 ASD

Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman, sapagkat natamasa na ninyo ang inyong kasaganaan. Kahabag-habag kayong mga busog ngayon, sapagkat magugutom kayo. Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon, sapagkat magluluksa kayo at iiyak. Kahabag-habag kayo kung pinupuri kayo ng lahat ng tao, sapagkat ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta. “Ngunit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway. Gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo.