Nang mag-aalas dose na ng tanghali, nawala ang liwanag ng araw, at dumilim sa buong lupain sa loob ng tatlong oras. At ang kurtina sa loob ng templo ay nahati sa dalawa. Sumigaw nang malakas si Hesus, “Ama, ipinagkakatiwala ko sa inyong mga kamay ang aking espiritu!” At pagkasabi niya nito, nalagot ang kanyang hininga. Nang makita ng kapitan ng mga sundalo ang nangyari, pinuri niya ang Diyos at sinabi, “Totoo ngang walang kasalanan ang taong ito.” Ang mga taong pumunta roon at nakasaksi sa lahat ng nangyari ay umuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib sa labis na kalungkutan. Sa di-kalayuan ay nakatayo ang mga kaibigan ni Hesus, pati ang mga babaeng sumáma sa kanya mula sa Galilea, habang pinanonood ang lahat ng nangyari. May isang lalaki roon na ang pangalan ay Jose. Siya ay taga-Arimatea na sakop ng Judea. Kahit na miyembro siya ng Sanhedrin, hindi niya sinang-ayunan ang kanilang ginawa kay Hesus. Mabuting tao siya, matuwid at kabilang sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos. Pumunta si Jose kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. Ibinaba niya ang bangkay sa krus at binalot ng telang lino. Pagkatapos, inilagay niya ito sa libingang inukit sa gilid ng burol, na hindi pa napaglilibingan. Biyernes noon at araw ng paghahanda para sa Araw ng Pamamahinga. Sinundan si Jose ng mga babaeng sumáma kay Hesus mula sa Galilea. Nakita nila ang libingan at kung paano inilagay ang bangkay ni Hesus. Pagkatapos, umuwi sila at naghanda ng sari-saring pabango na ipapahid sa bangkay ni Hesus. At nang magsimula na ang Araw ng Pamamahinga, nagpahinga sila, ayon sa Kautusan.
Basahin Lucas 23
Makinig sa Lucas 23
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 23:44-56
7 Mga
Paano ako nababago sa pamamagitan ng biyaya ni Hesus?
7 Days
A blind beggar crying out desperately by the side of the road, an immoral woman despised as dirty by polite society, a corrupt government employee hated by all – how could any of these people from society’s fringes hope to connect with a holy God? Based on insights from the book of Luke in the Africa Study Bible, follow Jesus as he bridges the gap between God and the marginalized.
Nearly everyone agrees that this world is broken. But what if there’s a solution? This seven-day Easter plan begins with the unique experience of the thief on the cross and considers why the only real answer to brokenness is found in the execution of an innocent man: Jesus, the Son of God.
7 Mga araw
Taun-taon, nagtitipon-tipon tayo upang manalangin at mag-ayuno para marinig ang Diyos at sundin ang sinasabi Niya. Bilang mga mananampalataya ni Cristo, nawa’y maging sentro ng ating mga salita at gawa ang Kanyang tinapos na gawain sa krus.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas