Leviticus 6:8-13
Leviticus 6:8-13 ASD
Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Ibigay mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki ang utos na ito: ‘Ito ang mga tuntuning kailangang sundin tungkol sa handog na sinusunog. Ang handog na ito ay kinakailangang iwanan sa altar hanggang umaga, at kinakailangang patuloy ang pagningas ng apoy sa altar; huwag itong pabayaang mamatay. Pagkaumaga, isusuot ng pari ang mga kasuotan niyang gawa sa telang lino: ang damit pang-ilalim na tatakip sa kanyang kahubaran at ang damit-panlabas. Kukunin niya ang abo ng handog na iyon at ilalagay sa tabi ng altar. Pagkatapos, magpapalit siya ng damit at dadalhin niya ang abo sa labas ng kampo sa itinuturing na malinis na lugar. Kinakailangang ang apoy sa altar ay patuloy na nagniningas. Huwag itong papatayin. Tuwing umagaʼy gagatungan ito ng pari, at aayusin nang mabuti ang mga handog na sinusunog sa itaas ng mga panggatong pati na ang mga taba ng hayop mula sa inialay na handog pangkapayapaan. Patuloy na paniningasin ang apoy sa altar, at huwag itong pabayaang mamatay.

