Leviticus 16:1-4
Leviticus 16:1-4 ASD
Nakipag-usap ang PANGINOON kay Moises matapos mamatay ang dalawang anak na lalaki ni Aaron nang silaʼy basta na lang lumapit sa kinaroroonan ng presensya ng PANGINOON at naghandog, Sinabi ng PANGINOON kay Moises: “Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na huwag siyang papasok sa Pinakabanal na Lugar sa kabila ng kurtina, sa anumang oras na naisin niya. Kapag ginawa niya iyon, mamamatay siya. Sapagkat doon ako nagpapakita sa anyong ulap sa itaas ng takip ng Kahon ng Kasunduan. “Ganito ang gagawin ni Aaron sa araw na papasok siya sa Pinakabanal na Lugar: Magdadala siya ng batang toro bilang handog para sa kasalanan at lalaking tupa bilang handog na sinusunog. Kinakailangang maligo muna siya at pagkatapos, isuot niya ang kanyang damit pampari na purong lino: pang-ilalim na damit na tatakip sa kanyang kahubaran, ang kanyang sinturon, ang turban na lino, at ang kanyang panlabas na damit.

