Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Panaghoy 3:19-26

Mga Panaghoy 3:19-26 ASD

Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa kong tulad ng mapait na lason. At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako. Ngunit nanunumbalik ang aking pag-asa sapagkat aking naalala: Dahil ang pag-ibig at awa ng PANGINOON ay walang katapusan kaya hindi tayo tuluyang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng PANGINOON! Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang PANGINOON ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.” Mabuti ang PANGINOON sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya. Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng PANGINOON.