Josue 16
16
Ang Lupain ng mga Lahi nina Efraim at Manases
1Ang lupaing ibinigay sa mga lahi ni Jose ay nagsimula sa Ilog Jordan malapit sa Jerico, sa silangan ng mga bukal ng Jerico, papunta sa ilang at sa kabundukan hanggang sa Betel. 2Mula sa Betel (na siyang Luz),#16:2 na siyang Luz: Ito ang nasa tekstong Griyegong (tingnan din sa 18:13). Sa Hebreo, papunta sa Luz. dumaraan ito sa Atarot na kung saan nakatira ang mga Araceo 3at pababa sa kanluran papunta sa lugar ng mga Jafleteo, hanggang sa hangganan ng mababang Bet-horon. At nagpatuloy ito sa Gezer hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.
4Ito ang bahaging natanggap ng mga lahi nina Manases at Efraim na mga anak ni Jose.
5Ito ang nasasakupan ng lahi ni Efraim na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan:
Ang hangganan ng kanilang mana sa silangan ay nagsisimula sa Atarot-adar papunta sa mataas na Bet-horon 6hanggang sa Dagat ng Mediteraneo. Ang hangganan nito sa hilaga ay nagsisimula sa Micmetat, at paliko pasilangan sa Taanat-silo, at dumaraan sa silangan ng Janoa. 7At mula sa Janoa ay pababa ito sa Atarot at Naara, at dumaraan sa Jerico papunta sa Ilog Jordan. 8Mula sa Tapua, ang hangganan ay papunta sa kanluran at dumaraan sa Lambak ng Kana, hanggang sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang lupain na ibinigay bilang mana ng lahi ni Efraim na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan.
9Kasama nito ang mga bayan at baryo na sakop sa lupain ni Manases.
10Hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nakatira sa Gezer; kaya may mga Cananeo na nakatira kasama ng mga taga-Efraim hanggang ngayon, pero ginawa silang mga alipin.
Kasalukuyang Napili:
Josue 16: ASD
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.