Juan 20:4-10
Juan 20:4-10 ASD
Pareho silang tumakbo, pero mas mabilis ang isa kaysa kay Pedro, kaya nauna itong nakarating sa libingan. Yumuko siya at sumilip sa loob ng libingan. Nakita niya ang mga telang lino na ipinambalot kay Hesus, pero hindi siya pumasok. Kasunod naman niyang dumating si Simon Pedro, at pumasok ito sa libingan. Nakita niya roon ang mga telang lino, maging ang ipinambalot sa ulo ni Hesus. Nakatiklop ito sa mismong lugar nito, at nakahiwalay sa mga telang lino. Pumasok na rin ang alagad na naunang nakarating, at nakita rin niya ang mga ito. Kahit na hindi pa nila nauunawaan ang tungkol sa sinasabi ng Kasulatan na si Hesus ay muling mabubuhay, naniwala siya. Pagkatapos nito, umuwi ang dalawang alagad.





