Kinaumagahan ng Linggo, habang madilim pa, pumunta si Maria na taga-Magdala sa libingan. Nakita niyang naalis na ang batong nakatakip sa pintuan nito. Kaya tumakbo siya at pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na malapit sa puso ni Hesus. At sinabi niya sa kanila, “Kinuha nila sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan siya dinala.” Kaya tumakbo si Pedro papunta sa libingan kasama ang nasabing alagad. Pareho silang tumakbo, pero mas mabilis ang isa kaysa kay Pedro, kaya nauna itong nakarating sa libingan. Yumuko siya at sumilip sa loob ng libingan. Nakita niya ang mga telang lino na ipinambalot kay Hesus, pero hindi siya pumasok. Kasunod naman niyang dumating si Simon Pedro, at pumasok ito sa libingan. Nakita niya roon ang mga telang lino, maging ang ipinambalot sa ulo ni Hesus. Nakatiklop ito sa mismong lugar nito, at nakahiwalay sa mga telang lino. Pumasok na rin ang alagad na naunang nakarating, at nakita rin niya ang mga ito. Kahit na hindi pa nila nauunawaan ang tungkol sa sinasabi ng Kasulatan na si Hesus ay muling mabubuhay, naniwala siya.
Basahin Juan 20
Makinig sa Juan 20
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Juan 20:1-9
6 Days
Once, a man predicted His own death. He also predicted He’d only be dead for three days. And He was right! Jesus’ death and return to life are the amazing truths of the Easter story. Christians still celebrate the day. But what does it all mean for you? This Bible Plan will help you understand the mysteries and the beauty of Easter!
10 Days
Let’s slow down this Holy Week and learn from Christ’s final days on earth. Each day we will receive lessons or gifts that He took the time to give. Do you need a fresh reminder of what mattered most to Christ—that you love His people and follow Him? What could He want to teach you this Holy Week?
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas