Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 16:1-7

Juan 16:1-7 ASD

“Sinasabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito upang hindi manghina ang inyong pananampalataya pagdating ng pag-uusig. Ititiwalag kayo ng mga kapwa nʼyo Hudyo sa mga sinagoga. Sa katunayan, darating ang panahon na ang sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos. Gagawin nila ang mga bagay na ito dahil hindi nila ako kilala ni ang Ama Ngunit sinasabi ko sa inyo ang mga ito upang pagdating ng pag-uusig, maaalala nʼyong sinabi ko na ito sa inyo. Hindi ko sinabi sa inyo ang mga bagay na ito noong una, dahil kasama nʼyo pa ako. Ngunit ngayoʼy babalik na ako sa nagsugo sa akin, at wala ni isa man sa inyo ang nagtatanong kung saan ako pupunta. At ngayong sinabi ko na sa inyo, nababagabag kayo. Ngunit ang totoo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko, dahil hindi sasainyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kapag umalis na ako, isusugo ko siya sa inyo.