Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 13:1-4

Juan 13:1-4 ASD

Bisperas noon ng Pista ng Paglampas ng Anghel, alam ni Hesus na dumating na ang panahon ng pag-alis niya sa mundong ito upang bumalik sa Ama. Mahal na mahal niya ang kanyang mga alagad dito sa mundo, at ipinakita niya ang kanyang pagmamahal sa kanila hanggang sa katapusan. Nang gabing iyon, naghapunan si Hesus kasama ang kanyang mga alagad. Inudyukan na ni diyablo si Judas Iscariote, na anak ni Simon, na ipagkanulo niya si Hesus. Alam ni Hesus na ipinasailalim ng Ama sa kanyang kapangyarihan ang lahat. At alam din niyang galing siya sa Diyos at babalik din sa Diyos. Tumayo si Hesus habang naghahapunan sila. Hinubad niya ang kanyang panlabas na kasuotan at nagbigkis ng tuwalya sa baywang niya.